LOOK: Harry Roque, sinuportahan ang pagbibigay ng amnesty kay Trillanes noong 2010 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Harry Roque, sinuportahan ang pagbibigay ng amnesty kay Trillanes noong 2010

'Di Best, 'Di Brightest

LOOK: Harry Roque, sinuportahan ang pagbibigay ng amnesty kay Trillanes noong 2010

Lumutang ang isang statement noong 2010 kung saan hinimok ng iba’t ibang personalidad at organisasyon si dating Pangulong Benigno Aquino III na bigyan ng amnesty ang mga sundalong lumahok sa 2003 Oakwood mutiny, 2006 Marine standoff, at 2007 Manila Peninsula Siege.

Kabilang sa mga signatory sa statement na pinamagatang “In the Spirit of Peace and Reconciliation”  ay si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nais ng mga lumagda na bigyan ni Aquino ng amnesty ang mga sundalong tumindig laban sa administrasyong Arroyo.

“We issue this appeal to His Excellency PRESIDENT BENIGNO “PNoy” S. Aquino III to GRANT AMENSTY to the active and former officers and enlisted personnel of the Armed Forces of the Philippines who stood against the previous administration.”

“Their battle cry – CHANGE – has coalesced into the bigger struggle of millions of other patriotic and freedom-loving Filipinos: the fight against corruption, electoral fraud and other evils of bad governance.”

Naniniwala ang mga lumagda na nabayaran na ng mga sundalo ang kanilang pagkakasala at dapat na umanong tutukan ang pagbabagong-buhay nila.

“This appeal is not to encourage impunity for their actions in the Oakwood incident of 2003; in the Marine Standoff of 2006; nor for those in the Peninsula Manila Siege of November 2007; and several other related incidents. These soldiers have already suffered the consequences of their actions. They have paid their dues. We believe it is the time for them to rebuild their lives, and in the process, contribute to rebuilding this nation.”

“President Noy, we believe that GRANTING AMNESTY to these soldiers is not only acceptable, but also timely in view of the Government’s agenda of peace and reconciliation.”

Roque vs Trillanes

Tila natapos na ang pagkakaibigan nila Roque at Trillanes dahil sa isyu ng amnesty revocation ng senador.

Hinamon ni Roque si Trillanes na isapubliko ang duly received copy ng kanyang application form.

“Ang dami po niyang ipinapakita, ang dami niyang sinasabi, nasaan iyong duly received application form po niya? Kung nawawala, sabihin niyang nawawala ‘no pero hindi naman puwede iyong sabihin niya na wala siyang kopya ‘no,” ani Roque.

Ayon naman kay Trillanes, sinayang ni Roque ang kanilang pagkakaibigan.

“Nung sumama siya sa dark side, nagkasolian na ng kandila,” ani Trillanes.

“We can be civil but wala eh, he has thrown away [his] principles,” dagdag pa ni Trillanes.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top