LOOK: Win Gatchalian, sumali sa walk-out protest ng mga UP students at Kabataan Partylist | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Win Gatchalian, sumali sa walk-out protest ng mga UP students at Kabataan Partylist

'Di Best, 'Di Brightest

LOOK: Win Gatchalian, sumali sa walk-out protest ng mga UP students at Kabataan Partylist

Overheard: “Ulol! Anong year yan?”

Nag-flashback ang mga litrato ni Senator Win Gatchalian kung saan makikita siyang kasama ang mga estudyante ng University of the Philippines at Kabataan Partylist na nagsasagawa ng walk-out protest kontra tuition fee hike.

Lumutang ang mga litrato kasunod ng kanyang pahayag na kontra sa isinagawang walk-out protest ng mga college students kontra sa mga polisiya ni President Rodrigo Duterte.

“Voicing out opinions should be conducted responsibly and fairly,” ani Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, dapat isinagawa ang kilos-protesta ng mga estudyante kung kailan wala silang klase upang hindi sila makaistorbo sa kanilang mga kapwa-mag-aaral.

“It should be conducted during off school hours so that others will not be disturbed or distracted,” ani Gatchalian.

Subalit noong February 2016, lumahok si Gatchalian sa isinagawa ring walkout ng mga estudyante kontra tuition fee hike sa UP Diliman.

Photo Courtesy: Kabataan Partylist

Photo Courtesy: Mark Cayabyab

Photo Courtesy: Kabataan Partylist

Photo Courtesy: Kabataan Partylist

Photo Courtesy: Kabataan Partylist

Lumutang rin ang isang statement noon ni Gatchalian kaugnay sa student activism.

“Student activism has been the lifeblood of education reform and social progress in the Philippines. As inequality in educational opportunities and outcomes continues to grow, we need the youth to stand up for their collective right to education, now more than ever,” ani Gatchalian.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top