Lourd de Veyra sa OPS "troll comment": Mas kupal ang gumawa nito gamit ang pera ng taumbayan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Lourd de Veyra sa OPS “troll comment”: Mas kupal ang gumawa nito gamit ang pera ng taumbayan

'Di Best, 'Di Brightest

Lourd de Veyra sa OPS “troll comment”: Mas kupal ang gumawa nito gamit ang pera ng taumbayan

Pinasaringan ni TV5 anchor at activist Lourd de Veyra ang “troll comment” sa kanya ng Facebook page ng Office of the Presidential Spokesperson (OPS).

Ang troll comment ay nakita sa Facebook Live post ng Manila Bulletin kaugnay sa press conference ng Malacañang.

“Si pia [Ranada] at si lourd devera pantay na sa kakupalan,” ayon sa comment ng OPS.

Tinawag na mas kupal ni de Veyra ang OPS dahil ginawa ang comment gamit ang pera ng taumbayan.

“Kung kups ako, mas kupal yung mga gumagawa nito na gamit ang pera ng taumbayan,” ani de Veyra.

Palusot ng OPS

Hindi humingi ng paumanhin ang OPS kaugnay sa troll comment nito, bagkus ang palusot ng nasabing ahensya ay dating Facebook page administrator nila ang gumawa nito.

“The aforementioned comment was written by a former administrator of the page who is no longer connected with the Office,” ayon sa pahayag ng OPS.

Iginiit pa nila na hindi repleksyon ng pananaw ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella at ng kanyang opisina ang nasabing comment.

“The said comment does not reflect the official and personal views of the Presidential Spokesperson or his office on the individuals being referred to,” ani OPS.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top