MATAPOS KASUHAN: Mocha Uson ikinaila ang sariling blog; gumamit ng bible verse vs Trillanes | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

MATAPOS KASUHAN: Mocha Uson ikinaila ang sariling blog; gumamit ng bible verse vs Trillanes

'Di Best, 'Di Brightest

MATAPOS KASUHAN: Mocha Uson ikinaila ang sariling blog; gumamit ng bible verse vs Trillanes

Paawa effect ang ate niyo!

Iginiit ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na hindi sa kanya, kundi pagmamay-ari umano ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte ang kanyang “MOCHA USON BLOG” Facebook page.

Ito ay matapos sampahan siya ng criminal at administrative cases ni Senator Antonio Trillanes IV na nag-ugat sa pagpapakalat ng mga pekeng offshore bank accounts nito.

Gumamit pa ng isang bible verse si Uson upang depensahan ang sarili laban sa mga paratang.

Basahin ang buong post ni Uson:

Mr. Senator kung sa tingin ninyo sa pagpapatanggal sa akin o pagpapakulong sa akin ay mananahimik ang DDS diyan kayo nagkamali. Kahit kelan po never ko po sinabi na ang followers ng blog na ito ay sa akin. Ang mga naka follow dito ay followers ni Tatay Digong not mine. I am just one voice. Ina-amplify ko lang ang kanilang boses through this blog. 

Remember this verse Mr. Senator-
“Very truly I tell you, unless a kernel of wheat falls to the ground and dies, it remains only a single seed. But if it dies, it produces many seeds.” John 12:24

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top