Mga sinibak na Caloocan policemen, itatalaga sa September 21 protests at ASEAN meetings | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mga sinibak na Caloocan policemen, itatalaga sa September 21 protests at ASEAN meetings

'Di Best, 'Di Brightest

Mga sinibak na Caloocan policemen, itatalaga sa September 21 protests at ASEAN meetings

Itatalaga ang mga sinibak na pulis-Caloocan para magbantay sa mga kilos-protesta sa September 21, o ang “national day of protest”.

Ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde, ang mga pulis-Caloocan ay bubuo sa 600-member contingent ng Philippine National Police sa ika-45 taong paggunita sa Martial Law declaration.

Bukod pa dito, itatalaga rin ang ilan sa kanila para bantayan ang mga ASEAN-related meetings na idadaos sa Metro Manila.

Sinibak ang buong Caloocan police force dahil sa panloloob ng 16 kasama nito sa isang bahay sa nasabing lungsod sa kasagsagan ng drug raid.

Nauna ng sinibak ang ilan sa kanila matapos maiugnay sa pagpatay kina Kian Loyd de los Santos at Carl Angelo Arnaiz.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top