Mocha, you can't defend the indefensible | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha, you can’t defend the indefensible

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha, you can’t defend the indefensible

“You can’t defend the indefensible – anything you say sounds self-serving and hypocritical,” ika nga ni Dianne Abbott.

Pinatay si Kian Lloyd de los Santos ng mga pulis at itinuring itong adik. Nanlaban umano si Kian. Ito ang naratibo ng mga pulis.

Ngayon, Mocha Uson, nagsalita ka. Pero sana hindi ka na lang nagsalita, dahil ang purpose lamang ng pagkomento mo sa insidente ay ipagtanggol si President Rodrigo Duterte.

For your information, wala pang pahayag si Duterte tungkol sa pagpatay kay Kian. Ang iyong narinig at napanood ay interpretasyon at pagtatanggol ng Malacañang sa Pangulo.

Kailan ba nagtugma ang sinasabi ni Duterte at ng kanyang mga tagapagsalita?

Hindi pa kinokondena ni Duterte ang pagpatay kay Kian. At lalong hindi ito mangyayari.

Kaya ni Duterte na magsalita tungkol sa mga napatay ng mga pulis, pero hindi kaya magsalita ni Duterte tungkol sa mga inosenteng napatay ng mga pulis.

Ang boss mo na ang nagsabi, maniniwala lang siya sa naratibo ng mga pulis.

“Maniwala talaga ako sa pulis sabi lumaban. To serve a warrant is not illegal. It may be improper but you can serve it anywhere, you can ask a lawyer. Kung anong sabihin ng pulis, anong sabihin ng military, yun ang sundin ko…Eh sila yung inutusan kong mamatay eh so I have to give credence,” ayon kay Duterte.

Si Duterte na rin ang nagsabi, kapag ayaw lumaban ng target, pilitin na manlaban.

“Eh ako lang naman ang harap-harap na mag-utos patayin mo yang p***** inang ‘yan. Sino pa bang iba? Kung hindi ko kayang ako na mismong p***** ina patayin mo yan. Pagkatapos lumaban. Pagkatapos lumaban. Dito is pagkalumaban. Ngayon, kung ayaw lumaban, di palabanin mo,” ani Duterte.

Kasalanan ng pulis ang nangyari, pero sino ba ang nagbigay pahintulot para mangyari ang insidenteng ito?

Hindi kami ang confused sa mga pahayag ng Pangulo, kundi ikaw Mocha.

Kaya mong ipagtanggol ang Pangulo, pero hindi mo kayang humingi ng hustisya sa mga nabiktima ng Pangulo.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top