Mocha Uson, 2016: Wala akong plano tumakbo o pumasok sa pulitika | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson, 2016: Wala akong plano tumakbo o pumasok sa pulitika

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson, 2016: Wala akong plano tumakbo o pumasok sa pulitika

Change has come.

Inanunsyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kabilang si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa senatorial slate ng PDP-Laban para sa Halalan 2019.

Subalit noong 2016, iginiit ni Uson na wala siyang plano na tumakbo o pumasok sa pulitika.

Sa kanyang Facebook post noon, pinasaringan ni Uson ang mga bashers niya na wala daw siyang karapatan na pumasok sa gobyerno.

Ayon pa kay Uson, hindi kailangan ng posisyon para tumulong sa kapwa. At ipaubaya na lang daw ang pamahalaan sa mga taong may alam.

Basahin ang buong post ni Uson:

“Politics or Cabinet Position? Marami ang nagba-bash sa akin lalo na sa twitter. Wala daw akong karapatan sa kahit ano mang posisyon sa gobyerbo. Ito lamang po ang aking masasabi- ANG DUMI NG ISIP NYO! Ang hirap kasi sa inyong mga bashers ang utak niyo ay nabubulok na. Hindi dahil sumuporta o tumulong ka ay kailangan na mabigyan ng position. Anong klaseng pag-iisip yan? Kung lahat ng tumulong kay Duterte ay kailangan mabigyan ng position aba eh di napuno na ang gobyerno! Dahil milyun milyon ang sumoporta sa kanya! Sa mga basher ko sa twitter at sa FB na patuloy na nagsasabi ng “ANO NAMAN KAYA POSISYON NI MOCHA SA GOBYERNO NI DUTERTE?” , “WAG NAMAN SANA BIGYAN NG POSITION NI DUTERE SI MOCHA”- wag nyo po ako idamay sa utak nyong baluktot! Dahil ako at ang aking grupo ay sumuporta lamang sa tao na karapat-dapat mamuno sa ating bayan. WALA AKONG PLANO TUMAKBO 0 PUMASOK SA POLITIKA dahil ako ay naniniwala na kung gusto mong tumulong sa kapwa mo hindi mo kailangan pumasok sa gobyerno. Ipaubaya natin ang gobyerno sa mga may alam. Meron talagang mga tao na para maiangat ang sarili kailangan manlait ng kapwa.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top