Mocha Uson, hinamon si VP Leni: Magharapan tayo; mata sa mata, eyeliner sa eyeliner | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson, hinamon si VP Leni: Magharapan tayo; mata sa mata, eyeliner sa eyeliner

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson, hinamon si VP Leni: Magharapan tayo; mata sa mata, eyeliner sa eyeliner

Utak sa utak? Ay, wala ka nga pala nun.

Hinamon ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson si Vice President Leni Robredo na magharapan silang dalawa.

Ito’y matapos batikusin ng kampo ni Robredo ang pagre-resign ni Uson bilang PCOO official.

Inakusahan ni Uson ni Robredo na sinungaling.

“Kung sa kasinangulingan lang, naku, sino kaya ang totoong sinungaling? Maski nga ‘yung posisyon niyo bilang [vice president] ay isang malaking kasinungalingan,” ani Uson.

Tinutukoy ni Uson ang video na ipinadala ni Robredo sa United Nations Commission on Narcotic Drugs annual meeting noong 2017.

“Ang fake news ay ikaw, Vice President ng Pilipinas, gagawa ka ng video, ipapadala mo sa international community. Sa United Nations na about drugs at sasabihin mo na libo libo na ang pinapatay sa Pilipinas dahil sa EJKs… ‘Yun ‘yung kasinungalingan. Nung lumabas po yung video na yan sa international community yung OFWs po natin na-discriminate at na-threaten,” ani Uson.

Iginiit ni Uson na walang siyang itinatago at hinamon ang Pangalawang Pangulo na magharap sila.

“Patas na ang laban ngayon, wala akong tinatago, wala akong kinakatakutan, magharapan tayo, mata sa mata, eyeliner to eyeliner, mahilig din siya mag-eyeliner,” ani Uson.

‘Hindi kawalan sa gobyerno’

Iginiit ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na hindi kawalan sa gobyerno ang pagbibitiw ni Uson.

“Madaming beses nang ipinakita ni Mocha Uson na hindi talaga niya naiintindihan at hindi siya handa para gampanan ang tungkulin ng isang lingkod ng bayan. Kaya hindi kawalan sa bayan ang kanyang pagbibitiw,” ani Gutierrez.

Ayon pa kay Gutierrez, hindi porke nag-resign na ito ay makakatakas na si Uson sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

“Huwag lang siyang magkamaling isipin na dahil nagresign na siya, hindi na siya mananagot para sa lahat ng kasinungalingan at paninirang pinasabog niya,” ani Gutierrez.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top