WHAT A "SHAIME": Mocha Uson, kahihiyan sa PCOO ayon sa isang mambabatas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WHAT A “SHAIME”: Mocha Uson, kahihiyan sa PCOO ayon sa isang mambabatas

'Di Best, 'Di Brightest

WHAT A “SHAIME”: Mocha Uson, kahihiyan sa PCOO ayon sa isang mambabatas

Ubos na ang pasensya ng isang mambabatas kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Siyempre, kami din!

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro, liability sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Uson at hindi ito nakakatulong upang pagandahin ang imahe ni President Rodrigo Duterte.

“Kahihiyan talaga sa PCOO si Mocha at mga katulad niya,” ayon kay Castro.

Aniya, utang na loob at hindi competence at qualification ang tinimbang ni Duterte sa pagtatalaga kay Uson.

“Utang na loob (kasi) ang basehan ni Du30 sa pag-appoint dyan at hindi qualification na competence,” ani Castro.

Kahihiyang malaki ang sweldo

P106,454 ang buwanang sahod na natatanggap ni Uson bilang PCOO Assistant Secretary na nasa Salary Grade 29.

Maliban pa rito, tumatanggap rin siya ng P20,000 representation and transportation allowance, P5,000 monthly “extraordinary and miscellaneous”,P2,000 monthly personal economic relief allowance, P5,000 clothing allowance, at P5,000 cash gift.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top