Mocha Uson nag-share ng 'fake, unverified' bank accounts ni Trillanes | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson nag-share ng ‘fake, unverified’ bank accounts ni Trillanes

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson nag-share ng ‘fake, unverified’ bank accounts ni Trillanes

Ibinahagi ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa Facebook ang umano’y mga bank accounts ni Senator Antonio Trillanes IV na naglalaman ng tagong yaman.

Ang mga bank accounts umano ni Trillanes ay mula sa iba’t ibang mga bansa. Sinubukan namin itong beripikahin at ito ang lumabas.

Ang bank account ni Trillanes sa ANZ bank ay mayroong 14 digits. Digits 00 ang nakalagay na bank prefix ng account. Pero ang bank prefix ng ANZ ay 01, 06, at 11. 16 digits naman ang standard length ng isang ANZ bank account.

Mayroon rin umanong dalawang Swiss account si Trillanes ayon kay Uson. Subalit hindi nagtutugma ang length at format ng kay Uson sa information sheet galing sa UBS.

Ganito ang format ng isang Swiss bank account number.

Mayroon rin umanong HSBC bank account si Trillanes base sa ibinahaging post ni Uson. Subalit hindi rin tumutugma ang kay Uson at sa standard bank account format ng HSBC.

Ganito ang format ng HSBC bank account noon pang 2015.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top