Mocha Uson sa nagrereklamo sa kanyang sweldo: Nagbabayad ba ng tax ang fake accounts? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson sa nagrereklamo sa kanyang sweldo: Nagbabayad ba ng tax ang fake accounts?

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson sa nagrereklamo sa kanyang sweldo: Nagbabayad ba ng tax ang fake accounts?

Pinasaringan ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang mga taong nagrereklamo na nasasayang lang ang kanilang ibinabayad na buwis sa pagpapasweldo sa kanya.

Sa isa na namang Facebook post, kinuwestiyon ni Uson ang mga taxpayers na nagrereklamo sa kanya at binasagang niya ang mga ito na “fake accounts”.

“Paulit-ulit pa nilang argumento na nasasayang ang tax nila??? Tax??? Nagbabayad ba ng tax ang mga fake accounts? Sabagay may income sila sa pagtroll nila.

Tinira rin ni Uson ang media na gusto siyang makapanayam ukol sa #FireMocha, o ang panawagan ng mga netizens na patalsikin siya sa pwesto.

“Kahit anong paliwanag natin sa media biased na talaga ang media. Kung dati iilan lang silang biased ngayon ay halos lahat na,” ani Uson.

Iginiit pa ni Uson na wala siyang pakialam sa mga taong inirereklamo siya at naglilingkod lamang siya para kay President Rodrigo Duterte.

“Ito ang totoo- wala akong pakialam sa inyo. Dahil ang pinagsisilbihan ko alng ay si Pangulong Duterte at ang mga taong tunay na may pagmamahal sa bayan,” ani Uson.

Buwis na binabayaran, diretso sa basurahan

P106,454 ang buwanang sahod na natatanggap ni Uson bilang PCOO Assistant Secretary na nasa Salary Grade 29.

Maliban pa rito, tumatanggap rin siya ng P20,000 representation and transportation allowance, P5,000 monthly “extraordinary and miscellaneous”,P2,000 monthly personal economic relief allowance, P5,000 clothing allowance, at P5,000 cash gift.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top