Mocha Uson, tatakbong representative ng AA Kasosyo Partylist | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson, tatakbong representative ng AA Kasosyo Partylist

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson, tatakbong representative ng AA Kasosyo Partylist

Kaso-so… Kasos…?

Tatakbong representative ng AA Kasosyo Partylist si dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Kasunod ito ng kanyang anunsyo na tatakbo siya sa isang elective post sa Halalan 2019.

“Kung ano po ng mababasa kong comment sa Facebook, ‘yung sinasabi ng supporters doon, doon ko po titingnan,” ani Uson.

Unang lumutang ang balita na tatakbo si Uson sa pagka-senador o representative ng ACTS-OFW Partylist, kung saan kasalukuyang kinakatawan ito ni Rep. John Bertiz.

Isinara ni Senator Koko Pimentel ang pintuan ng PDP-Laban kay Uson kung ito man ay tatakbo sa pagka-senador.

“Nasabi naman ni Senator Koko na it’s self-explanatory. Independent ako,” ani Uson.

Si Uson ay nagbitiw bilang opisyal ng Presidential Communications Operations Office dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersya katulad ng “Pepedederalismo” at ginawang katatawanan ang sign language.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top