Mocha Uson napahiya at binura ang post tungkol sa holdapan sa San Juan City | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson napahiya at binura ang post tungkol sa holdapan sa San Juan City

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson napahiya at binura ang post tungkol sa holdapan sa San Juan City

May panibagong insidente na naman ng katangahan si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito ay nag-ugat sa nangyaring holdapan sa San Juan City kung saan ang mga holdaper ay gumagamit na ng sasakyan.

Ibinahagi ni Uson ang post ng isang Facebook user tungkol dito at idinawit nito ang Commission on Human Rights (CHR).

“Sa tingin niyo sino ang papanigan at ipagtatanggol ng CHR dito? Sabi nga ng isang celebrity tao pa rin sila kahit nagkakasala…,” ayon kay Uson.

Matapos malaman na ibinahagi ni Uson ang kanyang post, nag-comment dito si Cheng Bigay, ang Facebook user na gumawa ng nasabing post, at pinasaringan si Uson.

“Hi Mocha. Pinost ko ang CCTV footage na ‘to para maging aware ang mga tao na may ganitong klaseng paraang na ng paggawa ng krimen. Bakit CHR agad ang pinag-iinitan mo eh ang trabaho ng CHR ay protektahan tayo sa pang-aabuso na gawa ng mga government authorities? Saka hindi ba’t ang dapat mong itanong ay kung nasaan ang PNP at kung ano ang aksyon nila sa mga ganitong klaseng modus? O di kaya suggestions man lang kung paano maiiwasan ang ganitong pangyayari? Marami ka namang pwedeng sabihin o punahin pero mas pinili mo na haluan ito ng politika. Mas concern ka pa sa “papanigan” ng CHR at sa opinyon ng isang celebrity. Nasaan ang malasakit mo sa biktima at sa amin na pwede ding mabiktima? Ibabalik ko sa’yo ang tanong. Sino ang papanigan at ipagtatanggol ni Asec. Mocha Uson sa issue na ‘to?” ayon sa comment ni Bigay.

Ang nasabing post ni Uson ay hindi na nakita pa matapos ang naging comment ni Bigay.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top