NAIA personnel, kakasuhan si ACTS-OFW Rep. John Bertiz | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

NAIA personnel, kakasuhan si ACTS-OFW Rep. John Bertiz

'Di Best, 'Di Brightest

NAIA personnel, kakasuhan si ACTS-OFW Rep. John Bertiz

Kakasuhan ng airport screener ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si ACTS-OFW Rep. John Bertiz matapos ang insidenteng kinasangkutan ng dalawa na nahagip sa CCTV.

Ayon kay Office of Transportation Security head executive assistant Napoleon Cuaton, tutulungan nila si Hamilton Abdul sa pagsasampa ng kaso laban kay Bertiz sa Pasay City prosecutor’s office at sa House Ethics Committee.

“We will not abandon our staff, especially in this situation,” ani Cuaton.

Ayon kay Cuaton, posibleng kaharapin ni Bertiz ang kaso sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, o ang crime of resistance at disobedience to a person in authority.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Bertiz kasunod ng insidente.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top