Netizen kay PNP chief Bato: Hindi porke pwede maging banal ang hindi pari ay qualified ka na | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Netizen kay PNP chief Bato: Hindi porke pwede maging banal ang hindi pari ay qualified ka na

'Di Best, 'Di Brightest

Netizen kay PNP chief Bato: Hindi porke pwede maging banal ang hindi pari ay qualified ka na

Sunog! Tustado! Sinilaban! Cremated! 

Pinalagan ng isang netizen si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa matapos ito mapikon dahil sa kritisismong natamo mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sa isang comment ni netizen Julian Juliano sa Facebook post ng Rappler, sinabi nito na hindi porke maaaring maging banal ang isang pari ay qualified na para rito si Dela Rosa.

“Una, tama ka Bato. Pwede naman maging banal kahit hindi pari. Pangalawa, hindi dahil pwede maging banal ang hindi pari, qualfied ka na maging banal. You are far from it. Your lack respect for the rule of law and due process left 14k dead bodies on your trail,” ani Juliano.

“I hope it gets to International Court someday. And we will see if that is enough to make you a saint,” dagdag pa ni Juliano.

Ayon pa kay Juliano, walang banal ang pumapatay ng mga bata at hindi sumusunod sa batas.

“Walang banal na pumapatay ng mga bata at walang kalaban laban. Walang banal ang hindi sumusunod sa batas,” ani Juliano.

“Hindi excuse ang pagiging hindi banal para pumatay,” dagdag pa ni Juliano.

‘Kayo lang ang banal?!’

Ayon kay Dela Rosa, hindi lang ang mga obispo’t pari ang may karapatan na magdala ng mga bibliya at rosaryo.

“Hindi porke kayo ang obispo, kayo ang mga pari, kayo lang ang may karapatan maghawak ng bibliya at magsuot ng rosaryo. Kaming mga ordinaryong mga Katoliko, porke pulis lang kami, hindi kami karapatdapat? Wow! Kayo lang ang banal, porke kayo ang pari? Kami, mga makasalanan na?” ani Dela Rosa.

Binatikos ng CBCP ang PNP dahil sa pagdadala ng mga ito ng rosaryo at bibliya sa pagbabalik ng Oplan Tokhang.

Dagdag pa ni Dela Rosa, hindi nakakatulong ang pahayag ng CBCP sa pagpapalaganap ng Katolisismo.

“Instead na palakasin ang ating relihiyon, you are trying to alienate us from you. Sino ang masisisi ngayon bakit maraming umalis sa Roman Catholic religion? Dahil sa ginagawa ‘nyo,” ani Dela Rosa.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top