Palusot ni Aguirre sa mga fake news: 'Raw intelligence report lang ang mga 'yon' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Palusot ni Aguirre sa mga fake news: ‘Raw intelligence report lang ang mga ‘yon’

'Di Best, 'Di Brightest

Palusot ni Aguirre sa mga fake news: ‘Raw intelligence report lang ang mga ‘yon’

Inalmahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa isinampang kasong administratibo laban sa kanya ng mga youth groups dahil sa pagkakalat ng mga maling balita gamit ang kanyang posisyon sa Department of Justice (DOJ).

“I have never been a fake news king,” sagot ni Aguirre matapos bansagan siyang hari ng fake news ng mga tao.

Sinampahan si Aguirre ng mga grupong Akbayan Youth, Millennials Against Dictators (MAD), at ng iba pang samahan dahil umano sa pagsuway sa RA 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

Ginamit na basehan sa kaso ay ang pahayag noon ni Aguirre na nag-aakusa sa mga taga-oposisyon tulad nila Magdalo Rep. Gary Alejano, Senators Bam Aquino at Sonny Trillanes, at dating political adviser Ronald Llamas. Ayon kay Aguirre, ang mga taga-oposisyon ay nasa Marawi City ilang araw bago mangyari ang kaguluhan doon, at ito ay umano’y destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.

Para kay Aguirre, ang naging pahayag niya noon ay hindi fake news, kundi ‘raw intelligence report’ lamang.

“First of all, that is not fake news. It is a raw intelligence report and I made clear to the media, to all of you (referring to the reporters talking to him) [that] this is mere intelligence report. I have to validate it. I do not want to make speculation,” ayon kay Aguirre.

Muling sinisi ni Aguirre ang media sa kasalanang ginawa naman niya.

You [referring to the media] are the ones who failed to state the truth. You failed to say [in your reports] that I have a precaution that this is only an intelligence report and I have to validate it,” ani Aguirre.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top