Palusot na "alleged" ni Mocha Uson, hindi tatalab pandepensa vs libel case ni Trillanes | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Palusot na “alleged” ni Mocha Uson, hindi tatalab pandepensa vs libel case ni Trillanes

'Di Best, 'Di Brightest

Palusot na “alleged” ni Mocha Uson, hindi tatalab pandepensa vs libel case ni Trillanes

Hindi tatalab ang palusot ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na “alleged” lamang ang kanyang ibinintang laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng pagsasampa ng kasong libel ni Trillanes laban kina Uson, broadcaster Erwin Tulfo, at Ben Tesiorna dahil sa pagkakalat ng mga pekeng offshore bank accounts.

Nag-react si Uson sa planong pagsasampa ng libel ni Trillanes.

“Sasampahan daw po ako ng kaso ni Sen. Trillanes dahil sa pag-share ko sa Facebook ng kanyang bank accounts. Unang-una, paki-Google po ang ibig sabihin ng ‘alleged’ or ‘allegedly’ dahil mahilig naman kayo mag-Google Mr. Senator Trillanes,” ani Uson.

Ayon sa ulat ng VERA Files, tinatanggap lamang ng mga korte ay ang epekto ng libelous statement, at hindi ang literal truth at falsity nito.

Ipinaliwanag ito ng Supreme Court sa 1918 Yuchengco v. The Manila Chronicle case:

“The published matter alleged to be libelous must be construed as a whole. In applying these rules to the language of an alleged libel, the court will disregard any subtle or ingenious explanation offered by the publisher on being called to account. The whole question being the effect the publication had upon the minds of the readers, and they not having been assisted by the offered explanation in reading the article, it comes too late to have the effect of removing the sting, if any there be, from the word used in the publication.”

Ang pinag-uusapan sa libel case ay ang pagkakaintindi ng mambabasa at hindi ang ipinapahiwatig ng gumawa ng libelous statement.

Narito ang isa pang paliwanag ng Supreme Court:

“Words calculated to induce suspicion are sometimes more effective to destroy reputation than false charges directly made. Ironical and metaphorical language is a favored vehicle for slander.”

Ayon kay Marlon Anthony Tonson ng Philippine Internet Freedom Alliance, hindi makakatulong ang palusot na “alleged” sa kasong libel.

“The word ‘alleged’ is no talisman to counter libel charges… The courts will only take into consideration the context of how these words are used, and always in reference to the entire news report or published statement,” ani Tonson.

Ayon sa Revised Penal Code, ang libel ay:

“A public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

Kailangang lumabas ang mga elemento ng defamation, malice, publication at identifiablity of the person defamed sa libel case.

Kasali ang mga online libelous statement sa libel dahil sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pagbabayad danyos na maaaring umabot sa P1 milyon at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan ang posibleng kaharapin ng mapaparusahan sa kaso.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top