Paolo Duterte kay Karen Davila: Ipapakita ko ang tattoo basta kaming dalawa lang sa hotel | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Paolo Duterte kay Karen Davila: Ipapakita ko ang tattoo basta kaming dalawa lang sa hotel

'Di Best, 'Di Brightest

Paolo Duterte kay Karen Davila: Ipapakita ko ang tattoo basta kaming dalawa lang sa hotel

May pinagmanahan nga. 

Hinamon ni presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si ABS-CBN broadcaster Karen Davila na ipapakita niya ang tattoo sa kanya basta silang dalawa lang sa isang hotel room.

Ito ay kasunod ng patutsada sa kanya noon ni Davila hinggil sa pagdalo nito sa Senate hearing ukol sa smuggling sa Bureau of Customs.

“Karen Davila? yung nangungugat? ganito nalang, I urged Karen Davila na ipapakita ko sa kanya yung tattoo, pero kaming dalawa sa kwarto sa hotel,” ayon kay Duterte.

Iniinis lang

Iniinis lang umano ni Duterte si Senator Antonio Trillanes IV kaya hindi pa nito ipinapakita ang tattoo sa likod.

“Hindi kami uto-uto, when the time comes na nahulog na siya at naputol na ang pakpak niya dahil sa taas ng kanyang lipad, ipapakita ko ‘to. sinabihan ko nga yung tattoo artist ko, I also texted Baste kasi kaibigan nya yun, not to post my tattoo. Iinisin mo muna yung kalaban hanggang mabiyak yung ulo nila, lalo na ‘tong mga yellowtards. Lalo na yung nasa social media, nabaliw na sa kakasalita. Let them eat the dragon then I will show you my tattoo. not now,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top