PCOO chief Andanar: Duterte is serious in whatever he says | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PCOO chief Andanar: Duterte is serious in whatever he says

'Di Best, 'Di Brightest

PCOO chief Andanar: Duterte is serious in whatever he says

Pffft.

Seryoso umano sa lahat ng kanyang mga sinasabi si President Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

“The President is serious in whatever he says,” ani Andanar.

Ayon kay Andanar, “out of frustration” lang ang mga sinasabi ni Duterte ngunit normal lamang daw ito.

“It’s normal to hear that from the President. He is serious,” ani Andanar.

Giit pa ni Andanar, ayaw ni Duterte na naaabuso ang kapangyarihan at nais nito na patas lang ang batas.

“Ayaw ng Pangulo na naaabuso ang kapangyarihan, batas. Gusto niya lahat patas lang,” ani Andanar.

Beast mode

Tila nagwala si Duterte at ibinaling ang galit nito kina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inalok pa ni Duterte na sabay silang tatlo na magbitiw sa pwesto.

“I challenge the two. We will go to Congress in a simple ceremony. We sign the letter of resignation. Sige nga. Then let us open all the books, pati inyo. Kung magsalita na,” ani Duterte.

Hindi rin nakaligtas si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na nagsabi na iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang First Family.

“Imagine this Carandang, magdasal ka lang Carandang. I’m not threatening you. ‘Pag ka nagka-leche leche ang Pilipinas uunahin kita,” ani Duterte.

Lying

Pinabulaanan naman ng DBS Bank ang pahayag ni Duterte na isinara umano ni Senator Antonio Trillanes IV sa pamamagitan ng online banking ang account nito sa DBS Alexandria Branch.

“Below is the screen shot of the DBS Alexandria account. Termination of Trillanes and where he sent the funds. He terminated it online on Sept. 8, 2017 past 10 p.m. then left for Singapore after that to show his waiver to the bank teller dun sa Singapore na wala siyang account,” ani Duterte.

Iginiit ng DBS Customer Service na tanging pagpunta lamang sa branch o pagpapadala ng form in person ang paraan upang isara ang isang bank account.

“Bank accounts can only be closed in person at the branch of by form,” ayon sa DBS Cares.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top