PCOO humihingi ng P245-M pangontra fake news | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PCOO humihingi ng P245-M pangontra fake news

'Di Best, 'Di Brightest

PCOO humihingi ng P245-M pangontra fake news

Seriously? 

Humihingi ng karagdagang P245-milyon ang Presidential Communications and Operations Office (PCOO) para sa umano’y media literacy program nila kontra fake news.

Nauna nang hiniling ni PCOO Secretary Martin Andanar ang P1.351 bilyong budget ng ahensiya sa 2018.

“We have already asked…about P245 million additional budget for the PCOO Proper and this will include activities on fake news that we would bring to the entire countryside,” ani Andanar.

Iginiit naman ni Andanar na hindi nagpapakalat ang PCOO ng mga pekeng balita.

Ipinaliwanag naman ni Andanar na hindi sumasalamin sa PCOO ang anumang i-post ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa kanyang social media accounts.

“Siya mismo ang nagsabi na ang kanyang Facebook page sa kanya lamang at kung anong sasabihin niya, sariling opinyon at hindi reflective ng PCOO kaya meron siya disclaimer doon at sabi niya, I duly insist na ganun ‘yung magiging sistema,” ani Andanar.

“But then again, there’s also a debate: If you’re a political appointee, do you stop being political? We all know that Asec. Mocha Uson is a staunch supporter who will fight tooth and nail for the President and we have to give her that,” dagdag pa ni Andanar.

Kinuwestiyon naman ni Senator Nancy Binay ang pagtatanggol ni Andanar kay Uson.

“Ang hirap i-separate na Mocha na private citizen at Mocha na Asec. How can you, Secretary Andanar, fight fake news kung may mga instances na nanggagaling mismo sa isang Asec? I guess yun yung magiging dilemma,” ani Binay.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top