PDEA chief Aquino kay Bato: Hindi namin responsibilidad na lutasin ang mga kaso ng rape | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PDEA chief Aquino kay Bato: Hindi namin responsibilidad na lutasin ang mga kaso ng rape

'Di Best, 'Di Brightest

PDEA chief Aquino kay Bato: Hindi namin responsibilidad na lutasin ang mga kaso ng rape

Kalbo na, kinalbo pa.

Pinasaringan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino si Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa dahil sa pahayag nitong tumaas ang mga kaso ng rape simula ng i-pull out sila sa kampanya kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Aquino, pananagutan ni Dela Rosa ang paglutas sa mga rape cases dahil pananagutan ng PNP ang pagpuksa sa krimen, kahit na wala na sila sa drug war.

“It is their responsibility. Let us be clear that anti-criminality is their job, it is not ours. If there was an increase in the supply and demand on illegal drugs, that’s our problem, but if there was an increase in crime like rape, it is not our problem,” ani Aquino.

Sa kautusan ni President Rodrigo Duterte, ipinagbawal ang pagsasagawa ng anti-drug operations ng PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Customs (BOC), at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Inilipat ni Duterte ang liderato sa PDEA noong October 10.

Ayon kay Bato, kadalasang lango sa droga ang mga suspek sa rape-slay cases.

“What was their basis for that? If there is rape, the offender was high on drugs? Give me the basis and statistics to prove those claims,” ani Aquino.

Bato: Rape cases, tumaas

Ayon kay Bato, tumaas umano ang bilang ng rape cases buhat ng inialis sila sa drug war.

Rape cases significantly declined during our war on drugs. Now that we’re no longer involved in the war on drugs, the (cases) increased again,” ani Dela Rosa.

Dagdag pa ni Bato, may malaking posibilidad na may koneksyon sa droga ang mga kaso ng rape.

“Definitely, no one in his right mind would rape and kill a woman and even set her on fire if you are in your right mind, if you are not high on drugs, if you are not an addict,” ani Dela Rosa.

“I don’t want to insinuate to the public that that is the reason but that’s a glaring, glaring reality. That’s a fact, that is happening,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top