PNP chief Bato: Ang pinakaayaw ko sa pulis ay 'yung duwag | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PNP chief Bato: Ang pinakaayaw ko sa pulis ay ‘yung duwag

'Di Best, 'Di Brightest

PNP chief Bato: Ang pinakaayaw ko sa pulis ay ‘yung duwag

Binatikos ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga duwag na pulis, at nangakong tatanggalin niya umano ang mga ito sa organisasyon.

“It should be your mindset and [you should be] willing to offer [your] life in the service of the country,” ani dela Rosa.

“Ang pinaka ayaw ko sa pulis ay yong duwag,” dagdag pa ni dela Rosa.

Binigyang halimbawa ni PNP chief Bato ang nangyaring raid ng New People’s Army (NPA) sa Maasin Police Station sa Iloilo, kung saan 15 firearms ang nakuha ng mga rebelde at pinosasan pa ang mga pulis na naka-duty noong mangyari ang insidenteng iyon.

“Ang pinaka ayaw ko sa pulis na ibigay yong armas sa NPA. Binisitahan  lang ng NPA, pinamigay na yong baril. Hindi man lang lumaban. Yan ang pinaka ayaw ko,” ayon kay dela Rosa.

“If there is a fight or war, you should fight. Don’t be afraid. Huwag ninyong ipahiya ang PNP,” dagdag ni dela Rosa.

Noong May 28, sinabi ni dela Rosa na gusto niyang samahan ang mga pulis na nasa frontline sa Marawi City.

“Gusto kong sabihin na, ‘Sige, umuwi ka na. Ako na ang papalit sa iyo dito. Ako ang makipaglaban. I want to fight for you,” ani dela Rosa.

“Gustong gusto ko talaga, with all my heart. I don’t care kung anong mangyari sa akin,” dagdag pa ng PNP chief.

Kaya noong May 30, nagtungo si dela Rosa sa Marawi upang bisitahin ang mga pulis doon sa ngalan ng “moral booster.”

Habang naka-todong suot na parang sasabak sa giyera, nakipagsalamuha lamang siya sa mga kabaro niya sa pulisya.

Naka-full battle gear rin si dela Rosa sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila, habang ang kanyang hepe sa Metro Manila na si Oscar Albayalde ay naka-standard police uniform lamang.

At sino ang hindi makakalimot sa pag-inspeksyon ni Bato sa Bocaue, Bulacan para sa pagsalubong sa taong 2017?

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top