PNP chief Bato sa mga kaanak ng mga na-Tokhang: Move on, walang forever | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PNP chief Bato sa mga kaanak ng mga na-Tokhang: Move on, walang forever

'Di Best, 'Di Brightest

PNP chief Bato sa mga kaanak ng mga na-Tokhang: Move on, walang forever

Manalo ka pa kaya sa 2019?

Ayaw umano ng Philippine National Police (PNP) na kamuhian sila ng publiko, lalo ng mga kaanak ng mga biktima ng kampanya kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Ito ang palusot ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sabay sabi sa mga pamilya ng drug war victims at surrenderers na mag-move on na.

“Sana tayo bilang mga Kristyano o anong relihiyon, itong panahon ng Pasko, gusto namin na sana kahit paano mapapaluwag ‘yung damdamin niyo dahil ayaw namin na forever tayong may sama ng loob,” ani Dela Rosa.

“Sana mag-move on na tayo. Walang forever,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Nakiusap rin si Dela Rosa na kalimutan na ng mga pamilya ang nangyari sa kanilang mga kaanak na na-Tokhang, alang-alang umano sa mga bata.

“Kalimutan na natin ‘yung mga masasamang nangyari alang-alang sa mga bata,” ani Dela Rosa.

Nagpaliwanag naman si Dela Rosa sa mga bata at iginiit na ginagawa nila ang anti-illegal drug operations para sa kanilang kapakanan.

“Alam ko karamihan sa inyo nasasaktan na may nakakulong o napatay sa aming anti-drug operations. Kung ‘yan ay masakit, masakit rin sa amin na nangyari ‘yan,” ani Dela Rosa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top