Pres'l Spokesperson Abella binigyan ng palusot ang rape joke ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Pres’l Spokesperson Abella binigyan ng palusot ang rape joke ni Duterte

'Di Best, 'Di Brightest

Pres’l Spokesperson Abella binigyan ng palusot ang rape joke ni Duterte

Sinubukang sagipin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella si President Rodrigo Duterte mula sa mga batikos na natanggap nito dahil sa kanyang panibagong rape joke.

Ayon kay Abella, ‘exaggeration’ lamang ang paglalarawan ni Duterte sa mga krimen na maaari umanong gawin ng mga sundalo sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.

“In Iligan, he gave his full support to the men and women in uniform, taking complete responsibility for their actions, even exaggeratedly describing crimes like taking a fourth wife,” ani Abella.

Dagdag pa ni Abella, nagpapakita lang umano ng pagiging ‘decisive’ at ‘bold’ ang pahayag ng Pangulo sa gitna ng karahasan sa Marawi City.

“PRRD is decisively acting, speaking with heightened bravado, that law and order would be brought back in these areas of rebellion in the soonest time…,” ani Abella.

Umani ng batikos ang naging pahayag ni Duterte sa mga sundalo sa Iligan City dahil sa pagbibiro tungkol sa panggagahasa at pakikiapid.

“Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun. ‘Pag nag-asawa ka ng pang-apat, bugbugin ka,” ani Duterte.

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top