Quantity over Quality: Accredited blogger ng PCOO kailangang may 5,000 followers | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Quantity over Quality: Accredited blogger ng PCOO kailangang may 5,000 followers

'Di Best, 'Di Brightest

Quantity over Quality: Accredited blogger ng PCOO kailangang may 5,000 followers

Binigyang halaga ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Martin Andanar ang maraming followers, kumpara sa quality ng content na ginagawa ng mga social media practitioners at bloggers.

Inilabas na ni Andanar ang Department Order No. 15, s. 2017, o ang “Social Media Practitioner Accreditation” para sa mga bloggers na gustong i-cover ang Malacañang.

Ang mga bloggers na maa-accredit ay mag-o-opisina sa Social Media Office ng PCOO na pinamamahalaan ni Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon sa Section 3, ang scope nito ay ang mga social media practitioners na gumagawa ng balita’t impormasyon ukol sa mga aktibidad ng Pangulo ng Pilipinas.

Ire-review naman ng Social Media Office ang application for accreditation, habang ang Presidential Security Group naman ang magbibigay ng clearance.

Ayon naman sa Section 5, ang requirements para maging accredited blogger ay:

  • at least 18 years old
  • with not less than 5,000 followers in any social media platform

Binigyan ni Andanar ng anim na buwan ang Order para sa test run nito.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top