Sotto: Bakit tahimik ang human rights groups sa mga kaso ng rape sa India? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sotto: Bakit tahimik ang human rights groups sa mga kaso ng rape sa India?

'Di Best, 'Di Brightest

Sotto: Bakit tahimik ang human rights groups sa mga kaso ng rape sa India?

Kapag rape ang pinag-uusapan, may reaksyon talaga si Tito Sen.

Pinasaringan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ang international human rights groups dahil sa umano’y pananahimik nito sa mga kaso ng rape sa India.

Ayon kay Sotto, todo-talak umano ang mga grupong ito kaugnay sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte ngunit tikom umano ang mga bibig sa nangyayari sa India.

“Another daily gang rape in india. Sinunog pa. Bakit quiet mga (international) human rightists? Drugs lang ang concern nila?” ani Sotto.

“Araw araw ang gang rape sa India. Pinapatay pa biktima. Gobyerno nila ang bagal. Nasaan sila?” dagdag pa ni Sotto.

Inalmahan ni Sotto ang masyadong atensyon ng human rights groups sa drug addicts kumpara sa Indian women.

“Are the drug pushers in the PH more important than the honor and dignity of women in India?” ani Sotto.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top