Speaker Alvarez, nag-shopping ng halos ₱500-M halaga ng Siargao properties — report | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Speaker Alvarez, nag-shopping ng halos ₱500-M halaga ng Siargao properties — report

'Di Best, 'Di Brightest

Speaker Alvarez, nag-shopping ng halos ₱500-M halaga ng Siargao properties — report

Tila nag-shopping spree ng properties sa Siargao Island si Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa ulat ng Davao Breaking News, mayroong pitong properties na nakapangalan kay Alvarez, at apat pang properties na nakapangalan naman kina Anaclito Alvarez at Carlito Alvarez.

Noong 2013, bumili si Alvarez ng tatlong properties: 4,102 sqm sa Poblacion Cinco; at dalawang properties naman sa Barangay Molinao na may lawak na 9,433 sqm at 4,256 sqm.

Sumapit ang 2017, anim na buwan matapos maging House Speaker, bumili si Alvarez ng apat na properties, ngayon naman ay sa bayan ng General Luna:  4,102 sqm sa Poblacion Cinco;  4,856 sqm sa Barangay Malinao; 7,295 sqm sa Barangay Malinao; at 1,796 sqm sa Barangay Malinao.

Isang lupain na katabi lamang ng Tourism Road patungong Cloud 9 ang binili ni Alvarez mula sa isang nagngangalang Atty. Diodero Ravelo, na former regional manager ng isang government agency sa Cebu. Binili ito ni Alvarez sa halagang ₱120 million.

Mayroon ring property si Alvarez na malapit sa Bayud property ng pamilya Barbers sa Barangay Malinao.

Base sa municipal records, mayroong tatlong properties ang Speaker sa nasabing barangay.

Bumili rin ng property si Alvarez sa Barangay Catangnan, na malapit sa ginagawang Catangnan-Cabitoonan Bridge.

Sa bayan naman ng Burgos, isang residential area na mayroong malalaking mga bahay ay umano’y pagmamay-ari rin ni Alvarez.

Ayon sa isang local real estate broker, aabot sa halos ₱500 milyon ang kabuaang halaga ng nabiling properties ni Alvarez.

Sa kanyang 2016 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), idineklara ni Alvarez ang total assets na ₱91.8 million, at ₱5.3 million halaga ng liabilities. Ang kanyang net worth ay nasa ₱86.4 million.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top