Takot kay Trillanes? Calida, dumulog sa SC para itigil ang Senate probe sa security agency | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Takot kay Trillanes? Calida, dumulog sa SC para itigil ang Senate probe sa security agency

'Di Best, 'Di Brightest

Takot kay Trillanes? Calida, dumulog sa SC para itigil ang Senate probe sa security agency

Takot kay Trillanes

Dumulog sa Supreme Court si Solicitor General Jose Calida para ipatigil ang Senate inquiry ni Senator Antonio Trillanes IV kaugnay sa security agency ng kanilang pamilya na Vigilant Investigative and Security Agency, Inc.

Ayon sa petisyon ni Calida, ang pag-iimbestiga ni Trillanes sa Vigilant ay magdudulot ng ‘unjustified invasion’ sa kanilang private affairs.

“The conduct of Respondent’s [Trillanes] intended inquiry will result in an unjustified invasion of Petitioner’s [Calida et al] private affairs. Respondent will intrude into questions that fall outside of a defined subject matter and delve into extraneous issues,” ani Calida.

Dagdag pa ni Calida, gagamitin umano ni Trillanes ang hearing para kumuha ng ebidensya laban sa kanila.

“The likelihood of Respondent [Trillanes] extracting evidence to be used against Petitioners [Calida et al] is high and would result into the infringement of Petitioners’ Constitutional rights against self-incrimination and to be presumed innocent until proven otherwise,” ani Calida.

 

Binigyan naman ng Korte Suprema ng 10 araw si Trillanes para mag-comment sa petisyon ni Calida.

Nakatakda sanang dinggin ng Senado ang isyu ng Vigilant ngayong araw subalit hindi na ito itinuloy.

Conflict of interest

Ang Vigilant ay nagkamit ng milyun-milyong pisong halaga ng iba’t ibang kontrata sa mga ahensya ng gobyerno.

Major stockholder si Calida sa kumpanya habang may shares rin ang asawa’t mga anak nito.

Mula noong maupo si President Rodrigo Duterte, nakakuha ang Vigilant ng mga kontrata sa gobyerno.

  • National Economic Development Authority, P6,876,737.76 annually for three years
  • National Anti-Poverty Commission, one-year contract
  • Philippine Amusement and Gaming Corporation, three-year contract
  • National Parks Development Corporation, P29,244,670.62
  • Department of Justice
  • House of Representatives
  • National Electrification Authority

Nakitaan ito ng conflict of interest dahil sa pagkakaroon ng shares ni Calida at ng kanyang pamilya sa Vigilant habang ito ay nagtatrabaho bilang solicitor general.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top