Teddyboy Locsin: Duterte at Kongreso, hindi mga estudyante, ang bida ng Free College Tuition Law | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Teddyboy Locsin: Duterte at Kongreso, hindi mga estudyante, ang bida ng Free College Tuition Law

'Di Best, 'Di Brightest

Teddyboy Locsin: Duterte at Kongreso, hindi mga estudyante, ang bida ng Free College Tuition Law

May hindi nagpapadaig kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Pumalag si Philippine Permanent Representative to the UN Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. sa pahayag ni Senator Benigno “Bam” Aquino IV, ang principal sponsor ng Universal Access to Quality Tertiary Education Law.

Ayon kay Senator Aquino, ang mga estudyante at pamilyang Pilipino ang tunay na bida ng batas na naglalayong gawing libre ang matrikula sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

“Pagkatapos ng ilang dekada, batas na ang inaasam-asam ng napakaraming pamilyang Pilipino na libreng kolehiyo. Estudyante, magulang at pamilyang Pilipino ang tunay na bida ng batas na ito,” ayon kay Aquino.

Subalit kinontra ito ni Locsin, at sinabing sina President Rodrigo Duterte at ang Kongreso ang tunay na bida.

“Uh, hindi po, ang tunay na bida ay ang Congress nagpasa nito at ang Pangulo nagsign diba?” ayon sa tweet ni Locsin.

Teka, sino ba ang makikinabang sa batas? Unang una dapat si Mocha Uson, pangalawa ay ikaw, at pangatlo ang 16 milyong Mauto group. Pinakakailangan niyo ‘yun.

Tama naman na ang mga tunay na bida ng batas ay ang mga estudyante at pamilyang Pilipino sapagkat ginawa ang nasabing batas upang pakinabangan nila.

Huwag ipilit ang hindi dapat ipilit, magmumukha ka lang na tanga.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top