Teresita de Castro, bagong Chief Justice; manunungkulan hanggang October 2018 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Teresita de Castro, bagong Chief Justice; manunungkulan hanggang October 2018

'Di Best, 'Di Brightest

Teresita de Castro, bagong Chief Justice; manunungkulan hanggang October 2018

Nagbunga ang inggit at galit ni Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos hirangin ito na bagong punong mahistrado ng hudikatura.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na si De Castro ang pinili ni President Rodrigo Duterte para maging bagong Chief Justice.

Kabilang si De Castro sa tatlong mahistrado ng Korte Suprema na nasa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) na isinumite kay Duterte.

Hindi na napigilan pa ng isinampang impeachment complaint ang pagtatalaga kay De Castro sa pinakamataas na posisyon sa hudikatura, na nag-ugat sa pagboto pabor sa quo warranto petition na nagpapaalis kay Sereno.

Si De Castro ay dating Sandiganbayan presiding judge bago itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa SC noong 2007.

Sa kabila ng pagkakatalaga bilang Chief Justice, nakatakdang magretiro si De Castro sa October 2018, o halos dalawang buwan na lang ang itatagal niya sa hudikatura.

Voting history

  • President Benigno Aquino III’s Executive Order No. 1, creating Truth Commission: Unconstitutional
  • Distribution of Hacienda Luisita farmlands: in Favor
  • Priority Development Assistance Fund (PDAF): Unconstitutional
  • Disbursement Acceleration Program (DAP): Unconstitutional
  • Burial of dictator Ferdinand Marcos to Libingan ng mga Bayani: in Favor
  • Senator Leila de Lima’s arrest: In Favor
  • Martial Law in Mindanao: Constitutional
  • Extension of Martial Law in Mindanao: Constitutional
  • Quo Warranto vs Maria Lourdes Sereno: In Favor

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top