Tito Sotto dinepensahan ang rape joke ni Duterte: Joke lang eh, bakit seseryosohin? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Tito Sotto dinepensahan ang rape joke ni Duterte: Joke lang eh, bakit seseryosohin?

'Di Best, 'Di Brightest

Tito Sotto dinepensahan ang rape joke ni Duterte: Joke lang eh, bakit seseryosohin?

Para kay Senador Tito Sotto, hindi daw dapat seryosohin ng mga tao ang rape joke ni President Rodrigo Duterte sapagkat ito’y biro lamang.

“Joke nga eh bakit seseryosohin?” ayon kay Sotto.

Kaliwa’t kanang batikos ang sinalo ni Duterte dahil sa pagbibiro tungkol sa panggagahasa at pakikiapid sa harap ng mga sundalo na sumasabak sa gitna ng martial law sa Mindanao.

“Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun. ‘Pag nag-asawa ka ng pang-apat, bugbugin ka,” ani Duterte.

Kamakailan lang ay umani rin ng batikos si Sotto dahil sa kanyang biro tungkol sa single parent status ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo na “na-ano lang”.

“In the street language, when you have children and you are single, ang tawag doon ay ‘na-ano lang,” ani Sotto.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top