Tito Sotto, Manny Pacquiao sa P1,000 CHR budget: Kontra kasi kayo ng kontra kay Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Tito Sotto, Manny Pacquiao sa P1,000 CHR budget: Kontra kasi kayo ng kontra kay Duterte

'Di Best, 'Di Brightest

Tito Sotto, Manny Pacquiao sa P1,000 CHR budget: Kontra kasi kayo ng kontra kay Duterte

Mga senador pala ang mga kumag na ‘to.

Naniniwala sina Senators Tito Sotto at Manny Pacquiao na dapat lang bigyan ng P1,000 budget ang Commission on Human Rights sa 2018.

Ito ay matapos aprubahan ito ng House of Representatives sa botong 119-32 pabor sa panukalang P1,000 budget.

Ayon kay Sotto, naiintindihan niya ang basis ng Kamara kung bakit binigyan nila ang CHR ng maliit na budget.

“Sinuswelduhan ka ng gobyerno, ng taongbayan, tapos kontra ka nang kontra sa sinasabi. Hindi bale yung kontra eh pero pinipintasan mo pa, hindi maganda talaga yun,” ani Sotto.

“Ako nga, simple lang sinasabi ko, kasi naman, dapat naman kasi, ikaw, nagta-trabaho ka sa isang gobyerno, hindi mo gusto yung mga polisiya nung mga namumuno, eh ‘di umalis ka, diba?” dagdag pa ni Sotto.

Naniniwala rin si Sotto na dapat mag-resign si CHR Chairperson Chito Gascon dahil hindi sila magkaparehas ng pananaw ni President Rodrigo Duterte.

“Siguro [he should resign], or pwede ring confine yourself to the issues. Stop barking at the President or the policy of the government. Policy ng presidente yun, eh ‘di umalis ka,” ani Sotto.

Tulad ng kay Sotto, ganito rin ang pananaw ni Pacquiao sa pagbibigay ng P1,000 budget sa CHR.

“Yung CHR, may sumusobra lang yung ginagawa nila. Yung minsan kasi may mga pangyayari na nabibintang agad doon sa ating administrasyon na wala namang kinalaman, yung mga ganun,” ani Pacquiao.

CHR suportado ng Senate majority

Suportado naman ng mayorya ng Senado ang CHR sa kabila ng ginawa ng Kamara sa kanila. Anila, ipaglalaban nila ang P678 milyong proposed budget ng ahensiya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top