Tourism Secretary Wanda Teo, sinibak sa pwesto | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Tourism Secretary Wanda Teo, sinibak sa pwesto

'Di Best, 'Di Brightest

Tourism Secretary Wanda Teo, sinibak sa pwesto

Sinibak ni President Rodrigo Duterte si Tourism Secretary Wanda Teo, ayon sa exclusive report ng Philippine Star.

Ayon sa ulat, nag-one-on-one sina Duterte at Teo matapos ang cabinet meeting sa Malacañang. Dito ay sinabi ni Duterte kay Teo na iabot na sa kanya ang resignation letter nito.

Nakadalo pa si Teo sa cabinet meeting sa kabila ng kontrobersya sa ₱60 milyong ad placements ng Department of Tourism sa programa ng Tulfo brothers sa PTV-4.

Bago ang pagsibak kay Teo ay nagmatigas pa ang kalihim at iginiit na hindi ito magbibitiw.

“I am not resigning. This is not true as I still have the trust and confidence of the President,” ayon kay Teo.

Naunang sinabi ni Teo na ibabalik ng Bitag Media Unlimited Inc ang perang ibinayad sa kanila ng PTV-4 para sa pagpapalabas ng tourism ads. Dagdag pa rito ang pagbibitiw ng kanyang asawa na si Roberto Teo bilang director ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ibinuntong naman ni Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni Teo, ang sisi sa isyu ng tourism ads sa staff ng DOT.

“Alam niyo po, si Secretary Teo, kung nalaman niya na ‘yong Kilos Pronto pala ay production ng mga Bitag at hosted by her two brothers, eh hindi niya na po itinuloy ‘yan.  So someone made a boo-boo somewhere na hindi po siya na-inform,” ani Topacio.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top