Trillanes: Tuloy-tuloy lang ang mga kaso laban kay Mocha Uson | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Trillanes: Tuloy-tuloy lang ang mga kaso laban kay Mocha Uson

'Di Best, 'Di Brightest

Trillanes: Tuloy-tuloy lang ang mga kaso laban kay Mocha Uson

Right to self-incarceration. 

Matapos magkaharapan sa Senate hearing ukol sa fake news, itutuloy pa rin ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang isinampang mga kaso laban kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Trillanes, hindi mababago ng photo-op nila ni Uson ang kanyang desisyong kasuhan siya.

“While I appreciate the friendly gesture of Ms. Mocha Uson to have a photo taken with me, it doesn’t change the fact that, as a senior public official, she committed criminal offenses that warranted  the filing of multiple cases,” ani Trillanes.

“Sa madaling salita, tuloy tuloy lang ang mga kaso,” dagdag pa ni Trillanes.

Criminal, administrative charges

Matatandaang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ni Trillanes si Uson sa Office of the Ombudsman.

Three counts ng libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012, use of falsified documents sa ilalim ng Revised Penal Code dahil sa pagpapakalat ng mga pekeng bank accounts, at grave misconduct, violation of Government Code of Ethics, at graft dahil sa pagsuway nito sa kautusang bawal pumasok ang mga kawani ng gobyerno sa casino.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top