VACC coordinator tinabla si Jimenez: Hindi totoong may 3 batang namatay dahil sa Dengvaxia | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

VACC coordinator tinabla si Jimenez: Hindi totoong may 3 batang namatay dahil sa Dengvaxia

'Di Best, 'Di Brightest

VACC coordinator tinabla si Jimenez: Hindi totoong may 3 batang namatay dahil sa Dengvaxia

Hindi totoong may tatlong bata ang namatay dahil sa itinurok na Dengvaxia anti-Dengue vaccine sa Central Luzon.

Tinabla ni VACC Region 3 coordinator Pyra Lucas ang pahayag ng founding chairman nito na si Dante Jimenez tungkol sa pagkamatay ng tatlong bata dahil sa Dengvaxia.

Matatandaang lumabas sa pagsasaliksik ng Sanofi, ang manufacturer ng anti-Dengue vaccine na maaaring magkaroon ng seryosong kumplikasyon ang mga batang tinurukan na hindi nagkaroon ng sakit bago ang pag-inject sa kanila.

“Wala pang pumapasok na report [sa DOH Regional Office] about sa case na yun. Walang namatay dahil sa vaccine,” ani Lucas.

“Paano makakapagbigay ang DOH [ng cases] kung wala din silang alam?” dagdag pa ni Lucas.

Habang may mga batang namatay sa nasabing rehiyon, hindi agad masasabi na ang cause of death ng mga ito ay dahil sa vaccine.

“How can you conclude na dahil dun sa vaccine kung ‘di man lang naaral?” ani Lucas.

Hindi naman matawagan ni Lucas si Jimenez na nag-ulat ng pekeng impormasyon.

“Tinatawagan ko siya, hindi siya sumasagot,” ani Lucas.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top