VP Leni Robredo: Mocha Uson, hindi dapat tularan bilang public official | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

VP Leni Robredo: Mocha Uson, hindi dapat tularan bilang public official

'Di Best, 'Di Brightest

VP Leni Robredo: Mocha Uson, hindi dapat tularan bilang public official

Pinatutsadahan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang kritiko na si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Robredo, hindi dapat pamarisan ng mga nagsisilbi sa gobyerno si Uson.

“Yung sa akin lang, siguro, halimbawa siya ng isang public official na hindi dapat tularan,” ani Robredo.

Dagdag pa ni Robredo, paalala si Uson sa lahat ng mga public official na may pananagutan silng lahat sa taumbayan.

“Siguro mahalaga yung kanyang presensya, pagpapaalala sa atin na tayo lahat ay public official na sinuswelduhan ng taumbayan,” ani Robredo.

“Mas mataas yung antas ng tiwala at yung demand ng taumbayan sa atin as public servants. Hindi lang sa ating gawa, pero sa ating salita, sa ating demeanor,” dagdag pa ni Robredo.

Mapapanood ang buong panayam kay Robredo ng DZRH sa darating na February 4, Linggo, 6:30 ng gabi.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top