WATCH: Agriculture chief Piñol, nagluto ng Bukbok Rice | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Agriculture chief Piñol, nagluto ng Bukbok Rice

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Agriculture chief Piñol, nagluto ng Bukbok Rice

Para pawiin ang pagkadismaya at pandidiri ng taumbayan sa weevil-infested rice, ipinakita ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kung paano magsaing ng bigas na may bukbok.

Sa video, makikita na sinasala ni Piñol ang bukbok mula sa bigas. Hinayaan pa ni Piñol na may maiwan pang mga bukbok sa sasainging bigas para may ‘dagdag-lasa’ at sustansya.

Iginiit ni Piñol na ligtas at pwedeng kainin ang bigas na pinamugaran ng mga bukbok.

Dagdag pa ni Piñol, ang bigas na may bukbok ay patunay lamang na hindi ito nilagyan ng kemikal.

“The presence of the bukbok in rice, while it may result in the deterioration of quality, is actually the best proof that the rice has not been sprayed with chemicals,” ani Piñol.

Sa kabila ng mga batikos dahil dito, nanindigang hindi magbibitiw sa pwesto si Piñol.

“It’s like asking me to answer for the sins of my neighbor,” ani Piñol.

“The President appointed me to this position. If he thinks I’m incompetent, I’m ready to go. I’m ready to go home to my farm,” dagdag pa ni Piñol.

Matatandaang 100,000 sako ng bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) ang pineste ng mga bukbok sa Subic Bay Freeport Zone.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top