WATCH: Federalism campaign nina Mocha Uson, Drew Olivar | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Federalism campaign nina Mocha Uson, Drew Olivar

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Federalism campaign nina Mocha Uson, Drew Olivar

Ito ang resulta ng brainstorming pero wala ka palang utak.

Viral ngayon sa social media ang video nina PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at consultant nitong si Drew Olivar kaugnay sa federalism.

Makikita sa video na ginawan pa ng dance moves at chant ang federalism campaign ng administrasyong Duterte.

Sa isang bahagi ng video, binigyang halimbawa ni Olivar ang Singapore bilang bansa na may federal form of government. Kahit ang totoo ay unitary-parliamentary ang porma ng pamahalaan ng Singapore.

Hinuha ang video mula sa “online game show” ni Uson na tungkol sa “good news” o mga nagawa ni President Rodrigo Duterte.

Federalism information drive

Nakatakdang gumawa ng interview series si Uson sa mga miyembro ng Consultative Committee to Review the 1987 Constitution (ConCom), ang komite na inatasan ni Duterte na lumikha ng draft federal constitution.

Ang interview ni Uson sa ConCom members ay ipo-post sa social media, maging sa kanyang personal Facebook page.

Ayon sa Malacañang, P90 milyon ang pondo para sa federalism information drive. Ang P10 milyon mula dito ay mapupunta sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa project implementation.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top