WATCH: Harry Roque sa kanyang mga kritiko: Mamatay kayo sa inggit! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Harry Roque sa kanyang mga kritiko: Mamatay kayo sa inggit!

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Harry Roque sa kanyang mga kritiko: Mamatay kayo sa inggit!

Tila nagpakatuta na ang bagong spokesperson ni President Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque at mayroon siyang mensahe sa mga kritiko niya.

Sa isang video na in-upload ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, pinasaringan ni Roque sa mga taong hindi siya tanggap sa bago niyang posisyon.

“Kayong mga nanggaling na sa kapangyarihan, nagkaroon na kayo ng pagkakataon. Ang ginawa niyo naman, palpak kayo…di kayo gumawa ng mabuti sa bayan…puro teka teka at saka na saka na,” ani Roque.

Hindi pinalagpas ni Roque ang pagkakataon na sabihin sa kanyang mga kritiko ang: “So sa akin, yung mga bumabato sa akin ngayon kaaga … mamatay kayo sa inggit!”

Nagbanta pa si Roque na mga “hollow blocks” ang kanyang ipapatikim sa mga kritiko ni Duterte.

“If, in the past, you were able to throw stones without anyone hitting back, be warned that if you throw stones, I won’t just throw stones but hollow blocks,” ani Roque.

Kamakailan lang ay iginiit ni Roque na hindi isang human rights violator si Duterte.

“Well kasi po hindi ako naniniwala na human rights violator siya,” ani Roque.

“Dahil ang kaniyang polisiya naman ay malinaw noong pinatay si Kian (Delos Santos) ano. Ang sabi niya, ‘Ang mga pulis kapag legal ang kanilang engagement sagot ko sila, pero kapag illegal ang engagement nila at walang… nanlaban and yet pumatay sila, and that is murder ‘no,” dagdag pa ni Roque.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top