WATCH: Mayon Volcano, nasa Naga City ayon kay Mocha Uson | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Mayon Volcano, nasa Naga City ayon kay Mocha Uson

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Mayon Volcano, nasa Naga City ayon kay Mocha Uson

And the Thomasian Alumni for Geography Award goes to…

Ginagamit lang umano ng mga kritiko ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang isyu ng pag-a-award sa kanya ng UST Alumni Association upang pagtakpan ang mas mahahalagang isyu katulad ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano sa Naga City.

Mayon Volcano sa Naga City.

Sa isang video sa kanyang Facebook page, ibinalik ni Uson ang natanggap na Thomasian Alumni for Government Service dahil sa sobrang pambu-bully umano kay dating USTAAI President Henry Tenedero.

“Kaya ko ibinalik ang award dahil sobra na po ang pambu-bully ng ilang Thomasians kay Sir Henry Tenedero, yung presidente ng asosasyon,” ani Uson.

Iginiit ni Uson na ginagamit ng kanyang mga kritiko ang nasabing isyu upang pagtakpan umano ang mga mas mahahalagang usapin sa bansa.

“Ginagamit lang po ng ibang tao itong isyu na ito, napakaliit na isyu na pagbibigay ng award. Ginagamit ng ilang tao para pagtakpan yung mga mas mahahalagang isyu sa bayan natin,” ani Uson.

Dahil sa isyu ng award, natatakpan na umano ang iba pang mga isyu katulad ng Dengvaxia at umano’y pagtanggap ng pera ni Senator Franklin Drilon kay Janet Lim-Napoles.

“Ginagamit po ng ilang mga tao ang isyu na ito, itong maliit na isyu sa award para pagtakpan yung isyu ng Dengvaxia… yung isyu ng pagtanggap diumano ni Senator Drilon ng pera galing kay Napoles,” ani Uson.

Ayon kay Uson, dapat nakatuon ang mga balita sa nangyayaring pag-aalburoto ng Bulkang Mayon… sa Naga City.

“At yung pinakamahalaga pa, ‘yang nangyayari sa Naga. ‘Yang pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Dapat doon po nakatuon ang ating mga balita,” ani Uson.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top