WATCH: Mga menor de edad, pinagsusuntok ng 2 pulis-Davao; pinaluhod pa sa litrato ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Mga menor de edad, pinagsusuntok ng 2 pulis-Davao; pinaluhod pa sa litrato ni Duterte

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Mga menor de edad, pinagsusuntok ng 2 pulis-Davao; pinaluhod pa sa litrato ni Duterte

Ganyan ba ang tamang pagsamba sa Poong Nazeraan?

Sapul sa CCTV ang panununtok ng dalawang miyembro ng Davao City Police sa mga menor de edad na sumuway sa pinatutupad na curfew sa lungsod.

Naganap ang pananakit sa limang kabataan noong January 21 sa barangay hall ng Barangay 19-B sa Davao City.

Pinauwi ang isang 18 anyos at pinaiwan naman sa barangay hall ang apat na menor de edad.

Matapos nito ay dito nang nagsimula ang pananakit sa mga kabataan nila PO1 Jesrey Masinding at PO1 Giovanni Natividad.

Huling-huli sa video ang pagpalo sa talampakan, pagsampal, at panununtok ni Masinding sa isang menor de edad, at sunod naman niyang pinagpapalo ang tatlo pang kabataan.

Pinagsusuntok naman sila sa tiyan ni Natividad at nakunan pang pinaluhod sa harap ng litrato ni President Rodrigo Duterte upang magpatawad dito.

Isinumbong naman ng dalawang biktima sa kanilang mga biktima ang nangyari sa kanila.

Nahaharap sa kasong Anti-Torture at Child Abuse Act ang dalawang pulis na sangkot sa insidente.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top