WATCH: Mocha Uson, pinanindigan ang video vs Ninoy: This is not about Kris Aquino | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Mocha Uson, pinanindigan ang video vs Ninoy: This is not about Kris Aquino

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Mocha Uson, pinanindigan ang video vs Ninoy: This is not about Kris Aquino

(UPDATED) Nakuhang magmatigas si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa kabila ng naunang pahayag ni Special Assistant to the President Bong Go na magso-sorry ito kay Queen of All Media, Kris Aquino, at sa pamilya nito.

Iginiit ni Uson na hindi tungkol kay Kris ang video na nagkukumpara sa paghalik ni President Rodrigo Duterte sa babaeng OFW sa babaeng humalik kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ilang sandali bago ito patayin.

Sa isang maikling video, sinabi ni Uson na itinumbas lang niya ang paghalik kay Ninoy dahil nilagyan umano ng malisya ang ginawa ni Duterte.

“This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya,” ani Uson.

 

Sa isang Facebook post nito, iginiit ni Uson na hindi siya hihingi ng paumanhin dahil sa pagsasabi umano ng totoo.

“With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth,” ani Uson.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top