WATCH: OFW Rep. Bertiz, hindi sinunod ang NAIA protocols; ipinagduldulan ang ID | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: OFW Rep. Bertiz, hindi sinunod ang NAIA protocols; ipinagduldulan ang ID

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: OFW Rep. Bertiz, hindi sinunod ang NAIA protocols; ipinagduldulan ang ID

“And another one.” — DJ Khaled

Matapos ang kontrobersyal na pahayag sa oathtaking ng mga bagong agricultural at biosystems engineer, ngayon naman ay gumawa ng iskandalo si ACTS-OFW Rep. John Bertiz sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos isnabin ni Bertiz ang airport protocol kung saan pinahuhubad ng sapatos ang mga pasahero bilang bahagi ng Security Condition Level 2.

Makikita sa video na nilagpasan ni Bertiz ang mga personnel ng Office of Transportation Security at hindi ito naghubad ng kanyang sapatos.

Nang sinita si Bertiz ng OTS personnel ay ipinagduldulan nito ang kanyang ID.

Ngunit hindi pa natapos roon dahil kinompronta pa ni Bertiz ang personnel at saka kinuha ang ID nito.

Nangyari ang insidente noong Sept. 29, 2018, 6:45 AM.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top