WATCH: Police escorts, sinasapawan si Leila De Lima sa pamamagitan ng pag-ubo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Police escorts, sinasapawan si Leila De Lima sa pamamagitan ng pag-ubo

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Police escorts, sinasapawan si Leila De Lima sa pamamagitan ng pag-ubo

Ubo, in English: Cop

May bago na namang estilo ng panggigipit ang mga police escort laban kay Senator Leila de Lima.

Sapul sa video ni Inquirer reporter Dexter Cabalza ang sabay-sabay na pag-ubo ng mga pulis habang nagbibigay ng pahayag si De Lima. Halos hindi na marinig pa ang sinasabi ni De Lima dahil sa mga ubo.

“Huwag magtiwala sa M.A.D (Marcos, Arroyo, Duterte) triumvirate! Huwag na huwag nating kakalimutan ang mga kasalanan nila sa bayan. Huwag magpauto sa kanila!” ayon kay De Lima.

Kamakailan lang ay ginawaran ng Liberal International si De Lima ng Prize for Freedom award bilang ‘flag bearer’ ng human rights. Si De Lima ang ikalawang Pilipino na ginawaran ng nasabing parangal. Noong 1987, pinangaralan rin si dating Pangulong Corazon Aquino ng Prize for Freedom.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top