WATCH | Roque sa mga Pilipinong ayaw sa kanya: Mamatay kayong lahat sa buwisit | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH | Roque sa mga Pilipinong ayaw sa kanya: Mamatay kayong lahat sa buwisit

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH | Roque sa mga Pilipinong ayaw sa kanya: Mamatay kayong lahat sa buwisit

May mensahe si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga taong nabubuwisit sa kanya dahil sa pagtatanggol niya kay President Rodrigo Duterte.

Tinanong ni Vice Ganda si Roque kung ano ang iniisip niya sa mga taong nagagalit sa kanya.

“Iniisip ko talaga, mamatay sila sa buwisit lahat,” tugon ni Roque.

Nagtaka naman si Vice Ganda kung bakit gusto ni Roque na mamatay ang mga taong nagagalit sa kanya.

“Bakit naman gusto niyong mamatay ang mga Pilipinong nabubuwisit sa inyo? Why don’t you just pray for them instead of wishing ill for them?” ani Vice Ganda.

Kissing Scandal

Inamin ni Roque na inappropriate ang paghalik ni Duterte sa babaeng OFW sa South Korea nang tinanong ito ni Vice Ganda kung may nagawang mali ang Pangulo.

“Meron naman siyempre. Naku, unang-una, ‘yung kissing. Akala ko mamamatay ako nun. ‘Yung kissing in Korea,” ani Roque.

Ayon kay Roque, kahit sa pananaw niya’y inappropriate ang ginawa ni Duterte, kinailangan niyang ipagtanggol ito bilang kanyang tagapagsalita.

“E trabaho ko ‘yun. Trabaho ko talaga ‘yun,” ani Roque.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top