Win Gatchalian sa Duterte kiss: Parang katulad lang sa kissing scene ng married actors | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Win Gatchalian sa Duterte kiss: Parang katulad lang sa kissing scene ng married actors

'Di Best, 'Di Brightest

Win Gatchalian sa Duterte kiss: Parang katulad lang sa kissing scene ng married actors

Ipinagtanggol ni Senator Win Gatchalian ang kontrobersyal na paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang married Overseas Filipino Worker (OFW) sa South Korea.

Ikinumpara ni Gatchalian ang halik ni Duterte sa ginagawang kissing scene ng mga aktor na kasal na.

“Ako I would like to compare this sa mga artista dahil may mga artista na may asawa but they also have kissing scenes in their movies, in their TV shows,” ani Gatchalian.

Ayon pa kay Gatchalian, kung ginawa man ito sa paraang propesyunal, wala itong problema.

“So I think as long as it’s kept professional and there’s an understanding within the partners then siguro pwede nilang gawin ‘yun,” ani Gatchalian.

“He is a public official and somehow they wanted to please the crowd, doon sa background sumisigaw ang crowd so siguro this is part of teasing the crowd,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, wala namang nasaktan sa ginawang paghalik at pumayag naman ang isa’t isa.

“Walang malisya, I think this was done out of curiosity of the crowd and kung wala namang na-offend especially the female party and then I think it was mutually consented. Sa pagkakaalam ko at sa videong nakita ko na nag-agree naman sila gawin yun. Kumbaga wala naman nasaktan at pumayag naman sila sa isa’t isa,” ani Gatchalian.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top