WOW, KAPAL | DOJ chief Aguirre: Resignation ni Chito Gascon mas ikabubuti ng CHR | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WOW, KAPAL | DOJ chief Aguirre: Resignation ni Chito Gascon mas ikabubuti ng CHR

'Di Best, 'Di Brightest

WOW, KAPAL | DOJ chief Aguirre: Resignation ni Chito Gascon mas ikabubuti ng CHR

Wow, coming from you.

Suportado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang panawagan na magbitiw na sa pwesto ang Chairperson ng Commission of Human Rights (CHR) na si Chito Gascon.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Kongreso sa P1,000 budget nito para sa susunod na taon.

Ayon kay Aguirre, walang pakialam ang CHR sa mga nabibiktima ng mga drug traffickers at focus lamang nito ay ang mga kaso ng pagpatay sangkot ang mga pulis.

“Hindi ba Commission on Human Rights [dapat] protektahan nila ang human rights ng everybody….Ano ba ang diperensiya ng mga minors na pinatay ng mga pulis at yung mga scalawags, at minors na pinatay nitong mga drug traffickers na ito? walang diperensiya ‘yan, pare-parehong inosente ang mga minors na ‘yan. Ngunit isa lamang ang nakikita nila,” ani Aguirre.

“Leadership, yung kanilang focus ng panunungkulan. Hindi nila ginagawa yung kanilang panunungkulan na protektahan ang human rights ng everybody,” dagdag pa ni Aguirre.

Iginiit pa ni Aguirre na one-sided ang CHR sa pamumuno ni Gascon.

“Hindi nila ginagawa yung dapat nilang gawin. I-condemn nila ang lahat ng human rights violation, hindi yung masyadong one-sided. May nakita ka na ba nilang ikinondena na mga human rights violation na mga ibang groups diyan, mga communist o itong mga pinatay na SAF. Kinondemn ba nila ito? Hindi,” ani Aguirre.

Kung magbibitiw umano sa pwesto si Gascon, maaaring ibalik ang orihinal na pondo ng CHR para sa 2018.

“Baka ‘yun [Gascon’s resignation] ang makaluwag if ever. Kasi masyadong, alam naman natin kung sino ang nag-appoint sa kanya at ‘yun lamang ang parang tinitingnan niya,” ani Aguirre.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top