Amnesty committee chief Azcueta: 2011 application ni Trillanes, valid | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Amnesty committee chief Azcueta: 2011 application ni Trillanes, valid

Duterte's Dilemma

Amnesty committee chief Azcueta: 2011 application ni Trillanes, valid

Kinumpirma ng dating Defense undersecretary at chief ng Ad Hoc Committee on Amnesty na si Honorio Azcueta na nag-apply noong 2011 si Senator Antonio Trillanes IV at valid ang mga dokumentong ipinasa nito.

Ipinakita ni Sen. Antonio Trillanes IV sa media ang kopya ng amnesty application form na kanyang isinumite sa Ad Hoc Committee noong 2011.

Iginiit ni Azcueta na sumunod siya sa prosesong isinasaad ng Proclamation No. 75, s. 2010 ni dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa pagbibigay ng amnestiya kina Trillanes, at maayos itong ginampanan ang trabaho.

“I can honestly say that as chair of the ad hoc committee on amnesty, I conscientiously did my job in accordance with the Proclamation 75 and its rules,” ani Azcueta.

Ayon kay Azcueta, nag-comply si Trillanes sa dalawang requirement na hinihingi ng komite: ang pag-apply para sa amnesty at admission of guilt.

“Obviously. That’s why on records he was granted amnesty,” ani Azcueta.

Matatandaang pinawalang bisa ni President Rodrigo Duterte ang amnesty ni Trillanes sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 dahil umano sa hindi pag-apply nito at sa hindi pag-amin sa kasalanan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top