Army official kinontra si Duterte: Maute group imposibleng makarating sa Visayas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Army official kinontra si Duterte: Maute group imposibleng makarating sa Visayas

Duterte's Dilemma

Army official kinontra si Duterte: Maute group imposibleng makarating sa Visayas

Isa na namang opisyal ang sumalungat kay President Rodrigo Duterte, at ito ay tungkol sa bantang pagpasok umano ng Maute group sa Visayas.

Imposibleng makarating pa sa Visayas ang teroristang grupo, ito ay pinanindigan ni Major General Jon Aying, commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa Capiz.

Sa kadahilanang walang mga sympathizers o kampo sa Visayas, kung kaya hindi makakatakas papunta sa nasabing lugar ang mga terorista.

“These terrorists will not venture to go to Visayas for the purpose of running away. They have no bases, they have no sympathizers here. It’s not good for them to go to unfriendly areas,” ani Aying.

Ayon pa kay Aying, hindi kabisado ng mga terorista ang terrain ng Visayas.

“In Mindanao, they have supporters and sympathizers. They are also well-versed of the terrain there. It would be a disadvantage to them if they get out of Mindanao,” dagdag pa ni Aying.

Ang pahayag ni Aying ay kasunod ng plano ni Duterte na magdeklara rin ng batas militar sa Visayas, at maging sa Luzon kung ang mga teroristang nasa Mindanao ay makakatakas.

Ayon kay Duterte, posible umanong makatapak sa Visayas ang mga teroristang galing ng Mindanao dahil magkalapit lamang ang mga ito.

“I may decide to expand the area to include the Visayas because it is a walking distance actually,” ani Duterte.

“If I think that the ISIS has already taken foothold also in Luzon, and terrorism is not really far behind, I might declare martial law throughout the country to protect the people,” dagdag pa ni Duterte.

Ayon kay Aying, nagpapatuloy ang mga inilatag na security measures sa Visayas, sa pagtutulungan ng militar, local government units, at mga komunidad.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top