Atty. Mel Sta. Maria to Duterte: It's time to resign, hindi mo talaga kaya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Atty. Mel Sta. Maria to Duterte: It’s time to resign, hindi mo talaga kaya

Duterte's Dilemma

Atty. Mel Sta. Maria to Duterte: It’s time to resign, hindi mo talaga kaya

Para kay FEU Institute of Law Dean Atty. Mel Sta. Maria, dapat na umanong mag-resign si President Rodrigo Duterte.

Kung babasehan ang mga sagot at performance ni Duterte sa kanyang tête-à-tête kasama si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi umano kaya ni Duterte na solusyunan ang mga problema ng bansa.

“Sir, based on your interview today, even if I am only one to say this now, I believe it is TIME TO RESIGN for the good of the country,” ani Sta. Maria.

“Walang personalan, sir. Hindi mo talaga kaya,” dagdag pa ni Sta. Maria.

Tête-à-tête

Tila isang showbiz talkshow ang one-on-one interview nila Duterte at Panelo. Tanging sa PTV-4 lang ito iniere at sarado sa ibang media.

Umikot sa isyu ng amnesty ni Senator Antonio Trillanes ang interview. Kahit napag-usapan ang inflation, traffic, at krisis sa bigas, palagi pa ring bumabagsak kay Trillanes ang usapan.

Sa loob ng isa’t kalahating oras ng programa, 20 beses sinabi ni Duterte ang pangalan ni Trillanes.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top